Ganap nang mag-asawa ang celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo

Sa Instagram post ni Zanjoe nitong Lunes, Marso 25, ibinahagi niya ang mga kuhang larawan sa kanilang ginanap na pag-iisang dibdib.

“Happy Birthday MY WIFE ❤️” saad ni Zanjoe sa caption ng kaniyang post.

Nagpaabot naman ng pagbati ang kanilang mga kapuwa kasamahan sa showbiz industry. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Angelica Panganiban: “Uy wife!! Congrats mr & mrs marudo ❤”

Zeinab Harake: “Congratulations 😍❤❤❤”

Jaine Oineza: “Cutieeeees!!! ❤️ So happy for the both of you!!”

Kyline Alcantara: “♥️ congratulations tatayyy and ate”

Jake Ejercito: “Happy bday to YOUR WIFE! And congrats you”

Michael De Mesa: “Congratulations you two ❤”

Matatandaang inanunsiyo nina Ria at Zanjoe ang kanilang engagement noong nakaraang buwan sa pamamagitan din ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Zanjoe Marudo, Ria Atayde engaged na!