Malaking tulong daw ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli sa relasyon ng celebrity couple na sina Sam Milby at Catriona Gray.

Sa latest episode ng “Marites University” nitong Lunes, Marso 18, sinabi ni showbiz insider Rose Garcia na naniniwala siyang may kinalaman sina John at Isabel kung bakit muling nagkakaayos sina Sam at Catriona.

“Tingin ko lang, ako personally, mukhang malaking bagay kung bakit din itong si Sam at si Cat ay nagkakaayos. ‘Yon talaga. Sure ako do’n kasi reliable ang source ko,” lahad ni Rose.

Matatandaang Hulyo noong nakaraang taon ay proud pang flinex ni John ang larawan nila nina Sam at Catriona kung saan sinabi niyang siya raw ang “happiest third wheel.”

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

MAKI-BALITA: John Prats, nagsilbing ‘happy third wheel’ kina Catriona Gray at Sam Milby

Bago pa man ito, nauna nang itsika ni Rose ang nasagap niyang balita na spotted umanong magkakasama sina Catriona, Sam, Isabel, at John sa isang restaurant kamakailan.

“Just few days ago, spotted si Catriona Gray saka si Sam Milby dito sa isa sa mga poise restaurant or steak house sa Araneta City. Tapos kasama rin nila ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli,” saad ni Rose.

“Pero anong pinapakita nito? Na sa kabila ng balita na naghiwalay na, break na, hindi na okay, may something, it only goes to show na okay pa rin talaga si Sam at saka si Catriona,” aniya.

Dagdag pa ng showbiz insider: “And from a source, kung anoman daw ang hindi nila napagkasunduan, o kung anoman ang naging problema nila—kasi alam natin engaged na ‘yan, e, ‘di ba—naaayos na raw. So ‘yon ang itsinika namin.”

Matatandaang noong nakaraang buwan ay naglabas ang talent management agency nina Sam at Catriona tungkol sa break-up issue nilang dalawa

MAKI-BALITA: Cornerstone Management, nagsalita na sa isyu ng Catriona-Sam break-up

Nagsimulang umugong ang balita na hiwalay na umano sila nang mapansin ng mga netizen na may mga pagkakataon daw na hindi suot ng beauty queen ang kaniyang engagement ring.

Lalo pang lumakas ang kanilang kutob nang talakayin sa showbiz-oriented vlog ni Ogie Diaz ang nasabing balita nang bulungan siya ng kaniyang source tungkol sa real score ng dalawang engaged couple.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Catriona at Sam, hiwalay na raw