Isa sa mga celebrity na nakiisa sa panawagang #JusticeForKillua ay si Kapuso star Carla Abellana na kilalang animal welfare advocate at mapagmahal sa mga pet, lalong-lalo na sa mga aso.

Ibinahagi ni Carla sa kaniyang Instagram stories ang screenshot ng iba't ibang panawagan kaugnay sa pagkakamit ng hustisya sa pinaslang na golden retriever mula sa Camarines Sur.

Kabilang na rito ang mismong viral Facebook post ni "Vina Rachelle," ang fur parent ni Killua, gayundin ang post ni Popstar Royalty Sarah Geronimo-Guidicelli.

MAKI-BALITA: #JusticeForKillua: Post ng fur mom tungkol sa pinaslang, isinakong fur baby viral na

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

MAKI-BALITA: Sarah G sa nag-viral na pinaslang at isinakong aso: ‘Killua.. we will fight for you’

MAKI-BALITA: PAWS kinakalampag para sa #JusticeForKillua

Isa pa sa mga inokeyan ni Carla ay ang privilege speech ni Sen. Grace Poe na paigtingin ng senado ang batas at kaparusahan sa mga nagsasagawa ng animal cruelty.

MAKI-BALITA: Poe, nanawagang palawakin, palakasin ang batas laban sa animal cruelty

Bukod kay Killua, kung titingnan din ang iba pang Instagram posts ni Carla, malakas ang panawagan niyang huwag katayin ang mga aso at gawing pagkain.

Isa sa mga post ni Carla, "Dogs are our friends. Not dinner. Help us end the dog meat trade for good."

Isa pang post, "Luck isn’t always on animals’ sides. Around the world, animals are suffering from unimaginable cruelty. But right now, there’s hope."

Samanta, speaking of Carla, wala pa siyang komento sa naging panayam sa estranged husband niyang si Tom Rodriguez sa "Fast Talk with Boy Abunda."

Natanong kasi ni Boy kung ano ang dasal niya para sa kaniya. Sagot ni Tom, “I really wish her well. Every one of us deserves happiness and I truly wish that for her."

MAKI-BALITA: Tom, hangad na mahanap ni Carla ang kaligayahan: ‘Wish her well!’

Inamin din ng estranged husband na may bagong nagpapatibok na sa kaniyang puso at pinipili niyang gawing pribado ito.

MAKI-BALITA: Gustong isapribado: Tom, aminadong may ipinalit na kay Carla