Kinakiligan ng mga netizen ang reply ng basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr. sa kaniyang jowang si social media personality Zeinab Harake, na tila nagpapahiwatig na ng kasal.

Nag-post kasi si Zeinab ng kaniyang mga larawan kung saan makikitang blonde ang kaniyang buhok.

"Your business is yours and mine is mine 🖤," aniya sa caption.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

View this post on Instagram

A post shared by @zeinab_harake

Tugon naman dito ni Ray Parks, "Di ba pwede what's mines is yours, and what's yours is mine?💍🖤😍"

Photo courtesy: Zeinab Harake (IG)

Napansin naman ng mga netizen ang ring emoji na isinama ni Ray sa komento kaya naman dinagsa tuloy siya ng komento kung ano ang kahulugan nito.

"hoooy ang landiii 😭😂"

"pinatay ako sa kiliiiggg..."

"at ginalingan bumanat ni daddy ray sa kanya ng belle grabe to"

"proposal ba 'yan?"

"hallaaa daddy Ray bat may pa singsing ❤️ delulu pa naman ako best wishes na agad sa inyo !! I love you both 😘"

Samantala, wala namang tugon si Ray sa mga tanong ng netizen tungkol sa ring emoji.