Nagdesisyon na raw ang Queen of All Media na si Kris Aquino na hindi na patutuluyin pa ang anak niyang si Bimby sa pag-aartista.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Marso 18, iniulat ng host na si Romel Chika na kailangan daw munang unahin ni Bimby ang ina nito.

“Ang balita ko ‘di ba dapat ipapasok na naman yata si Kris Aquino sa isang ospital sa Amerika. Pero hindi natuloy dahil ang Covid daw ay rampant na naman doon,” saad ni Romel.

“Kaya minabuti na lang na hindi na muna ipasok at si Vice Gov. Mark Leviste na uuwi munang Pilipinas na nagbabantay sana kay Kris sa kaniyang hospitalization, hindi na matutuloy. Kaya ngayon, halinhinan daw muna ang kaniyang mga kapatid at si Bimby sa pagbabantay sa kaniya,” aniya.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Dagdag pa ni Romel: “Saka syempre, sa status ng kalusugan ni Kris Aquino, mas mabuting ‘yong mahal niya sa buhay ay naka-intact, malapit sa kaniya.”

Lalo lang daw kasing mai-stress si Kris kung nasa malayo ang mga mahal niya sa buhay gaya ni Bimby. Baka mas indahin pa nito ang kasalukuyang kondisyon.

Matatandaang noong Enero nagsimulang lumutang ang balitang papasukin ni Bimby ang pag-aartista dahil sa lumalaking medical bills umano ni Kris.

MAKI-BALITA: Medical bills, pataas nang pataas; Bimby magtatrabaho na para kay Kris?