Tila si Primetime King Coco Martin daw ang reincarnation ni King of Philippine Movies Fernando Poe, Jr. o FPJ sa kasalukuyang panahon.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” noong Sabado, Marso 17, iniulat ni showbiz columnist Cristy Fermin na patuloy umanong nadadagdagan ang kuwento na tila nabuhay daw si FPJ sa katauhan ni Coco.

“Nadagdagan po nang nadagdagan ang kuwento ‘yong mga kuwento tungkol sa sinasabing si Coco Martin daw po ay reinkarnasyon ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Ronnie ‘Fernando’ Poe, Jr.” lahad ni Cristy.

“Kasi kung ano ‘yong alam natin na ginagawa ni Tito Ronnie, tayo ‘di ba lagi nating kasama, parang gano’n daw si Coco ngayon, sa totoo lang,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Siya ‘yong nagpapatuloy ng ginagawa ni FPJ,” segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika.

Ayon naman sa isa pang co-host na si Wendell Alvarez: “Kasi di ba ‘yong mga character actor, mas gustong-gusto nga nila na magkaroon si Coco ng teleserye, kasi talagang ini-invite sila. Gano’n din si Da King noon.”

Matatandaang hindi ito ang unang may nagsabing nakikita nila sa katauhan ni Coco ang yumaong si FPJ. Sa isang panayam sa aktres na si Janice Jurado, sinabi niyang paminsan-minsan, parang sinasaniban daw nito ang director at lead star ng “FPJ’s Batang Quiapo.”

MAKI-BALITA: Coco Martin sinasaniban daw ni FPJ