Kinakikiligan at patok ngayon ang di-inaasahang tambalang "SnoRene" nina "Can't Buy Me Love" stars Maris Racal at Anthony Jennings na talaga namang ngayon pa lang, sinasabihan nang next "RomCom King and Queen" ng kanilang henerasyon dahil sa patok na on-screen chemistry nila.

Sa nagdaang "Star Magical Prom" ng Star Magic, ang talent-arm management ng ABS-CBN, silang dalawa ang magkapartner na talaga namang nagdulot ng kilig overload sa mga netizen, lalo na sa kani-kanilang mga tagahanga.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

View this post on Instagram

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Marami tuloy ang nanghihinayang ngayon dahil alam naman ng lahat na ang real-life boyfriend ni Maris ay si Rivermaya vocalist Rico Blanco, at maugong din ang tsikang may private relationship din si Anthony.

Sa birthday celebration ni Rico kamakailan, nagbigay ng assurance si Maris na ang jowa lang ang "favorite kausap" niya at ito lang ang mahal niya forever.

"happy birthday, my favorite kausap. i love you forever nerd," aniya.

Sey naman ng netizen, oo nga't nakakakilig ang on-screen chemistry nina Maris at Anthony subalit kahit na ganito, maraming nagsasabing ang suwerte nina Maris at Rico sa isa't isa.

Ang tanong, nagseselos kaya si Rico sa tuwing may eksena ang SnoRene o sa tuwing may mga nagsasabing sana sila na lang kung wala siya sa buhay ni Maris?