Hindi nakaligtas sa mata ng mga netizen ang isang eksena ni Kapuso star Marian Rivera sa bago nitong show sa GMA Network na “My Guardian Alien.”

Sa X post kasi ng isang netizen na nagngangalang Cora Rivera noong Sabado, Marso 16, makikita ang larawan ni Marian habang nasa loob ng kabaong.

https://twitter.com/CoraRivera137/status/1768809034218709309

“Hindi nakaka primetime queen 'to. I-tape niyo ulit ito ng maayos. Kaloka kayo @GMADrama @gmanetwork,” lahad ni Cora.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

“Ginagawa namang shunga ang mga viewers. Kaya naman siguro ni accla humiga sa kabaong ng 30 seconds. Artista naman siya. It's her job,” dugtong pa niya.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Eto na ba ang heavily budgeted comeback tv series ni Miss Marian Rivera-Dantes?"

"kung ayaw nya talaga mahiga sa actual na kabaong, pwede naman sila gumamit ng green/blue screen. may franchise naman sila for sure they can afford to use or hire vfx artists sa post-prod. Pero pinili nilang i-tape yung photo. 💀"

"Ever think na yung actress mismo ang ayaw humiga sa kabaong thats why they had to improvise? Though im not sure why she did it on Rewind but not here. 🤷🏻‍♂️"

“Aray ko po 🤦🤦”

Pero ayon sa update ni Cora: “As per direk Zig, aayusin daw ng production. Hindi pa 'to final kaya pwede pang baguhin. I say, salamat sa pakikinig sa fans direk and team My Guardian Alien! We just want the best for the show. But we're still watching you though charot. 👀”

Anyway, nakatakda nang ipalabas sa primetime sa darating na Abril ang comeback fantasy series ni Marian.