Hinahanap daw ng madlang netizens ang presensiya ni Kapamilya star Andrea Brillantes sa ginanap na Star Magic Prom 2024.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Marso 17, naitanong ni Mama Loi kay showbiz insider Ogie Diaz kung totoo bang inisnab ni Andrea ang naturang event.

“I don’t think so. Kasi parang may nakausap ako. Parang naka-birthday leave si Andrea. Kasi ‘yong birthday niya March 12,” saad ni Ogie.

“Supposedly si Andrea daw nga—ayon sa aking source—ay patungong US para magbakasyon. E, hindi siya natuloy. Gustuhin man daw ng batang umattend, hindi ito nakapag-prepare ng isusuot,” aniya.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Dagdag pa niya: “Hindi naman ‘yan ang last ng Star Magic Prom, ‘di ba. Marami pa rin namang susunod dyan. At taon-taon ‘yan magaganap. Kaya huwag na kayong mag-worry kung nasa’n si Andrea Brillantes.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang panig ni Andrea para kumpirmahin o pabulaanan ang balita hinggil dito.