Usap-usapan ngayon ang tribute party para sa kaarawan ng starmaker at dating chairman emeritus ng Star Magic na si Johnny “Mr. M” Manahan, na ngayon ay consultant na ng Sparkle GMA Artist Center.

Batay kasi sa mga kumakalat na larawan at mga video, tila absent ang mga artist sa naturang talent agency ng GMA Network kung saan ay consultant siya.

Parang naging reunion ito ng former and current Star Magic artist kabilang na sina Charo Santos, Bea Alonzo, Julia Barretto, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Joshua Garcia, Kathryn Bernardo, Jericho Rosales, at marami pang iba. 

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizen sa X ang tungkol sa bagay na ito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Halos mga alaga ni Mr.M at mga loyal sa kanya. Pero wait asan na mga bagong alaga ni Mr.M yung mga sparkle?Di sila invited?🤣😂🤣”

“Sparkol pala akala ko spakol.”

“halos galing igmacia lahat walang mga spackol ehehe”

“Halos lahat puro Ignacia! 💯🤭Kasi naman pag sparkol  yan baka dumugin si Mr M  ng tanong kung sino ba yung mga  kasama nya. Chekka! Bwak bwak bwak!”

“Walang sparkle may sarili sila party sa canteen ng gma building.”

“Malamang palaki ng star magic mga yan kaya tatak star magic parin. Mga kanguso tlga mga bitter hahhaa”

“Natural galing ABS si Mr. M. Sa malamang mga naging talents niya mga yan. Obvious naman walang barrier kahit lumipat na siya at yung iba.”

“Bakit wala yung sila rabiya? HAHAHAHAAHHAHAHAHAJAHAH”

“BUTI NAMAN WALANG MGA STARLET! HAHAHA”

“Di invited yung mga statlets ng kamuning @Sparkle_GMA”

“Ambobo ng comments ng mga taga agnacia. Natural galing ng Ebak si Mr. M. Jusko mga utak biya. Hahaha”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang opisyal na pahayag na inilalabas ang kampo ni Mr. M o ang pamunuan ng Sparkle GMA Artist Center kaugnay dito.

Matatandaang naging kontrobersiyal din ang kumalat na panayam noon ni Mr. M tungkol sa umano’y pagkataranta ng executives ng isang network dahil sa phenomenal success ng tambalang Alden Richards at Maine Mendoza sa “Eat Bulaga.”

MAKI-BALITA: Mr. M, ‘bitter’ nga ba sa ABS? ‘Nataranta sila sa success nila Maine, ni Alden’