Wala na raw masyado pang inaasahan si “It’s Showtime” host Kim Chiu sa mga posibleng mangyari sa buhay niya sa mga darating na taon.

Sa latest vlog ni Dra. Vicki Bela noong Sabado, Marso 16, tinanong niya si Kim kung ano ba ang vision nito para sa sarili.

“What’s your vision for you?”

“Ako kasi Dok ngayon parang ayaw ko na ng too much expectations on what will happen in the next six months or in the next years to come,” sagot ni Kim.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Parang gusto ko na lang mag-enjoy. Kasi parang sa buhay natin, naplano na ‘to ni God lahat, e. Everything doesn’t happen by chance. It was written already before you were born,” aniya.

Dagdag pa ni Kim: “Parang gano’n na siya. Parang gano’n na ‘yong paniniwala ko sa buhay. ‘A, ‘di pa siguro siya time for me. Hindi siguro siya para sa akin.’” 

Bago pa man ito, naurirat na si Kim ni Dra. Belo sa unang bahagi ng panayam tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ni Xian Lim.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, nagsalita tungkol sa breakup nila ni Xian Lim

Matatandaang kinumpirma nina Xian at Kim ang kanilang hiwalayan noong Disyembre 2023 sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’