Humanga ang mga netizen sa tatay ng komedyante-TV host na si Awra Briguela na nagtapos ng "Master in Business Administration" sa Philippine Christian University (PCU) sa Maynila.

Ibinahagi ni Awra sa kaniyang Instagram post ang mga kuhang larawan ng kaniyang amang si Oneal Brian Briguela habang nakasuot ng graduation gown, at dumalo sa seremonya ng pagtatapos.

"Congratulations on all your well-deserved success, Pa!" ani Awra.

Umani naman ito ng magaganda at positibong reaksiyon mula sa netizens.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"ang galing nang papa mo, imbis na sa luho niya binili ang mga napag hirapan mo, ginamit niya sa pag aaral. Congrats sainyo, napakag tapos ka nang bachelors at masteral. Gagamit niya yan para makapag trabaho para sa pamilya."

"Congrats Tito!"

"Congrats po!"

"Wow!!! Congrats to your dad"

"Iyan ang dapat tularan!"

"Very nice! Kaysa nga naman sa mga walang kuwentang bagay, inilaan na lang sa edukasyon."