Nasa hospital pa lang si Boss Toyo pero tila gusto na agad siyang paglamayan ng kapuwa niya social media personality na si Rendon Labador.

Sa Facebook post kasi ni Rendon nitong Lunes, Marso 11, mapapanood ang video ng pagbisita niya kay Boss Toyo sa ospital.

“Nandito po tayo sa parking lot ng isang medical center para dalawin ang ating kaibigan na si Boss Toyo dahil ilang araw na siyang na-confine. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya,” lahad ni Rendon.

Kaya naman, inalam ni Rendon kung bakit nga ba dinala sa ospital si Boss Toyo. Pero laking gulat ng huli nang ipasok sa kwarto niya ang mga bulaklak na pampatay. 

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Sey tuloy ni Boss Toyo: “Motivated, motivated. Puta, pinapatay mo na ako, e. Hindi naman motivated ‘yan, e.”

Pero depensa naman ni Rendon, hindi raw pampatay ang dala niyang bulaklak. In fact, nakalagay pa mismo sa sash nito ang wish niyang gumaling si Boss Toyo dahil mawawalan siya ng kakampi sa isang basketball event.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:

"Malamang gagaling na yan boss Rendon Labador dahil sa dala mong bulaklak😂😂"

"Hanep advance mag isip"

"Pasaway ka po idol rendon Nagkandaluha ako sa kakawa sa gawa mo"

"pasaway ka tlga Boss Rendon Labador gumaling tlga yan😂🤣"

"Isasama ko kayo sa prayers ko dahil idol niyo ko."

"At least ma appreciate pa niya Ang mga bulaklak while Buhay pa Ang tao 😅"

"Motivated flowers😅 mapapabilis pg galing ni Boss Toyo yan"

"Ayos ka talaga magbigay ng regalo idol heheh"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 1.5 reactions at 25k views ang naturang video.