Nagbigay ng pananaw ang award-winning actor na si Piolo Pascual tungkol sa lovelife nang kapanayamin siya ni showbiz insider Ogie Diaz nitong Lunes, Marso 11.

Sa huling bahagi kasi ng vlog, hiningan ni Ogie si Piolo ng mensahe sa mga taong nalulungkot dahil wala silang lovelife.

“Ang lovelife naman, ‘di naman siya essential, e. Hindi naman siya necessity sa buhay, e. Nasa sa tao ‘yon. May mga tao kasing kailangan ng partner. Kailangan ng may karelasyon,” lahad ni Piolo.

“E, kung busy ka naman sa buhay mo at happy ka naman; kung okay naman kayo ni Lord, ba’t ka maghahanap ng komplikasyon?” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Dagdag pa ng aktor: “So ang sa akin, at my age, at this point of my life, I’ve been practical the last 26 years of minding the business. ‘Di ko siya mababalanse nang tama kung mas marami akong oras do’n [lovelife].”

Kaya hindi raw alam ni Piolo kung paano i-impart ang pag-iisip na maraming kakulangan kapag mag-isa lang dahil kung tutuusin nga raw, mas maraming magagawa ang isang taong single.

“I-enjoy mo lang ang buhay. Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo. Especially ‘pag dumating ‘yong tamang tao, i-enjoy mo. I mean, ‘pag dumating naman sa akin ‘yon, lahat ng sinasabi ko kakainin ko,” saad pa niya.

Pero sa ngayon, masaya raw si Piolo sa kung nasaan man siya ngayon at kung ano man ang ginagawa niya sa buhay.