Pasabog ang outfitan ni Asia's Superstar at Kapamilya star Kathryn Bernardo sa naganap na Bench Fashion Week.

Tiyan kung tiyan at kurba kung kurba ang labanan dahil ipinakita ni Kath kung gaano siya kaseksi suot ang kaniyang top na gawa sa brand na nabanggit.

Ibinahagi ni John Valle ang mga larawan ni Kathryn, na ibinahagi naman ng aktres sa kaniyang Instagram stories.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Talaga namang ready na si Kath at to the next level na pagdating sa kaniyang image, na talaga namang umaani ng positibong reaksiyon at komento mula sa fans at supporters.

Biro pa ng marami, ito na raw ang sinayang ng ex-boyfriend niyang si Daniel Padilla.

"Oh Deej, maglaway ka ngayon! Ito na nga pala 'yong sinayang mo."

"Napakagandang babae!"

"Go Kath! Oh ano ka ngayon Deej?"

"Paglawayin mo ex mo hahaha."

"Ang sexy naman ni Kath, parang mas bet ko siya ngayong single siya.

"Strong independent woman. Go Kath!

Si Kath ay matagal nang endorser ng Bench na pagmamay-ari ni Ben Chan.