Isa si Kapamilya singer Angeline Quinto sa mga dumalo sa ginanap na Grand Media Conference ng “What’s Wrong With Secretary Kim?” sa Gateway Mall, Araneta Center, Quezon City nitong Sabado Marso 9.

Matapos ang ilang taon, muli nang mapapanood si Angeline sa teleserye at sobrang na-miss daw niya ang pagganap sa ganitong proyekto ayon sa pahayag niya.

"Actually, medyo matagal-tagal na nga rin po 'yong huling ginawa kong teleserye and si Paolo rin ang kasama ko doon. Siguro mga 2011 or 2012,” lahad ni Angeline.

“Sobrang na-miss ko rin and at the same time, noong nalaman ko from Dreamscape na mapapasama ako dito sa What's Wrong With Secretary Kim pareho kami ni Ms Janice, akala ko ako si Secretary Kim,” aniya.

Teleserye

'Nakakagigil talaga!' McCoy De Leon, nagawa pang mag-picture bago magnakaw

Dagdag pa ng Kapamilya singer: "Siyempre tinanggap ko agad ang role and hindi naman ako masyadong nag-adjust as si Sarah Angeles. Kasi si Sarah Angeles, parang si Angeline na masiyahin, talagang kalog at siya 'yong nagbibigay kasiyahan sa mga katrabaho niya kapag nai-stress sila."

Samantala, ang tinutukoy naman niyang teleserye na huli niyang ginanapan kung saan niya nakasama si Paulo ay ang “Kahit Konting Pagtingin” noong 2012.

Nakatakda nang ipalabas sa darating na Marso 18 ang “WWWSK?” sa mismong online streaming platform ng Viu.