How true ang bali-balita na ang TV host na si Willie Revillame raw ang hahalili sa sinibak na noontime show ng TAPE, Inc. na “Tahanang Pinakamasaya?”

Nauna nang lumutang ang tsikang namimili umano ang GMA Network sa pagitan ng “It’s Showtime” at “TiktoClock” sa ipapalit sa naturang noontime show.

MAKI-BALITA:  Alin mas masaya? It’s Showtime, TikToClock maugong na isasalpak daw sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya

Pero sa isang episode ng “Showbiz Now Na” noong Huwebes, Marso 7, pinag-usapan naman ang posibleng pagbabalik ni Willie sa GMA para punan ang puwang na iniwan ng “Tahanang Pinakamasaya.”

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

Ayon sa co-host ni showbiz columnist Cristy Fermin na si Romel Chika, posible umanong makabalik pa sa bakuran ng naturang network si Willie.

“Kung hindi man nagkasundo noon, malay mo nagkasundo kahapon. Posible. Dahil pare-pareho namang trabaho lang at nangangailangan din naman kung sino ang ipapalit doon. Baka naghahanap ang GMA,” saad ni Romel.

Taliwas naman ang pananaw ni Wendell Alvarez sa pananaw ng co-host niyang si Romel. Para sa kaniya, hindi na raw makakabalik pa si Willie sa naturang TV network.

“Kasi ‘di ba may plano siyang tumakbong senador, e, malapit na ang eleksyon. Ano ‘to ‘pag nilagay siya sa noontime show hanggang December na lang siya? [...] Bawal na, e. 90 days ang campaign,” ani Wendell.

Sang-ayon naman si Cristy sa sinabi ng huling co-host dahil ipinagpalit ni Willie ang dati niyang show na “Wowowin” sa mga Villar.

“Dahil doon daw [sa ALL TV]  isa siya sa mga tagapamuno samantalang talent lang siya sa GMA 7. Kung maglalagay man ang GMA 7 ng bagong programa, siguradong hindi si Willie Revillame ang kanilang kukuning magho-host,” paliwanag ni Cristy. 

Matatandaang nagsimulang umugong ang balitang matsutsugi ang “Tahanang Pinakamasaya” noong Sabado, Marso 2. Kapansin-pansin kasi ang tila pananamlay ng mga host sa kanilang finale spiels. Kinumpirma naman ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang tungkol dito.

MAKI-BALITA: ‘Tahanang Pinakamalungkot?’ Noontime show ng TAPE, tsikang sisibakin na raw

MAKI-BALITA: Boy Abunda, kinumpirma pagbabu ng ‘Tahanang Pinakamasaya’