Kinaaliwan ng mga netizen ang ibinahaging larawan ng komedyanteng si Chad Kinis kasama ang aktor na si Dominic Roque.

Sa nabanggit na larawan ay makikitang nagkita sa isang event ang dalawa, at mapapansing nakayakap si Chad sa beywang ng ex-boyfriend ng Kapuso star na si Bea Alonzo. Mukhang nakaiskor ng yakap!

"For sure may maiinggit. Itago natin sa pangalang Senyora," caption ni Chad sa sikat na online personality na "humaharot" kay Dominic.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

"Baka imention niyo dito si Senyora naku di makakahinga yun," pahabol pa niya sa comment section.

Nag-reply naman dito si Dominic, "Walang edit talaga.🥰."

"All natural," sey naman ni Chad.

Speaking of Dominic, umiikot ang tsikang nagkabalikan na raw sila ng ex-couple na si Bea subalit wala pa silang kumpirmasyon tungkol dito.

MAKI-BALITA: Bea at Dominic, tsikang nagkabalikan na raw pero kasal, tuloy pa ba?