How true ang bali-balita na ayaw na umanong marinig ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo ang pangalan ng ex-jowa niyang si Daniel Padilla?

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Marso 6, ibinahagi ni showbiz columnist Cristy Fermin ang isa umanong kuwento tungkol kay Kathryn.

“Natawa ako dito sa kuwentong ito. So, lahat pala ng ‘Daniel’ ngayon ayaw na talagang marinig ni Kathryn Bernardo—kung totoo ‘yong kuwento na ayaw na niyang naririnig pa ang pangalan na ito,” lahad ni Cristy.

“Alam n’yo po, nando’n kasi sa pagsulong mula sa isang pagkabigo si Kathryn Bernardo at kahit sino naman po siguro ay ganyan ang magiging emosyon,” aniya.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Dagdag pa niya: “Dalawa po ang gasgas na linya kapag ganyan. Ang una, ‘change topic please.’ Ang mas harsh na atake, ‘please don’t say bad words.’ “

Ayon naman sa co-host ng showbiz columnist na si Romel Chika, bagama’t OA ang unang dating sa kaniya ng tsikang ito, natural lang daw na gawin ang gano’ng bagay lalo na kapag nasaktan nang sobra ang isang tao. 

Matatandaang sa isang episode ng “Showbiz Now Na” ay pinag-usapan din nina Cristy ang tsikang nandidiri daw si Kathryn kay Daniel.

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, nandidiri na kay Daniel Padilla?

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag si Kathryn para pabulaanan o kumpirmahin ang naturang balita.