Emosyunal ang aktres na si Claudine Barretto habang sinasariwa ang mga alaala ni award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Marso 7, ikinuwento rin ni Claudine kay showbiz insider Ogie Diaz nang minsang magalit sa kaniya si Jaclyn.

“May instance na nagalit siya sa akin. Mga dalawang buwan akong ‘di kinausap. ‘Pag nagalit sa akin, takot na takot talaga ako,” saad ni Claudine

“Sabi niya sa akin no’ng namatay daddy ko ta’s nagkaaway-away. Sabi niya: ‘Bastos ka! Hindi mo nirerespeto ang daddy mo. Wala akong pakialam sa mga kapatid mo dahil hindi kami close. Pero ikaw anak kita. Bakit mo ginawa ‘yan?’” aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa niya: ‘Gano’n siya. Pagsasabihan niya ako talaga. Diretso siya. Magsasabi talaga. Parang nanay na hindi naman ako mao-offend.”

Pero kalaunan, ayon kay Claudine, si Jaclyn pa raw ang nag-sorry sa sinabi nito nang yayain siya ng aktres na manood ng sine sa UP Town Center.

Nauna nang magbigay-pugay si Claudine kay Jaclyn sa pamamagitan ng kaniyang social media post noong Lunes, Marso 4.

MAKI-BALITA: Mula sa Puso: Claudine, nagbigay-pugay kay ‘Nanay Magda’

Matapos ito, nangako rin siya na na magiging ate siya sa mga naulilang anak ng award-winning actress na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond Ilagan Guck.

MAKI-BALITA: Claudine nangakong magiging ate sa mga naulilang anak ni Jaclyn

Matatandaang naging magkatrabaho sina Claudine at Jaclyn sa iconic soap operang “Mula sa Puso” sa ABS-CBN noong 90s kung saan silang gumanap bilang mag-ina.

Pumanaw si Jaclyn noong umaga ng Marso 2 dahil sa myocardial infarction o heart attack.

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

MAKI-BALITA: PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose