Ilang mga Pilipino raw sa Bangkok, Thailand ang nakakita sa Kapuso actor na si Xian Lim na palakad-lakad habang kahawak-kamay ang associate producer na si Iris Lee, na rumored new girlfriend daw nito.

Iyan ang tsika ni Ogie Diaz sa latest episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update" kung saan sa kasagsagan nga ng hiwalayang Kim Chiu at Xian Lim, nauna nang lumutang ang pangalang "Iris Lee" na bagong nagpapatibok daw sa puso ng aktor-direktor.

Nasa ibang bansa raw ang dalawa kasama ang iba pang staff ng Viva para maghanap ng lokasyon sa upcoming horror movie na balak nilang gawin, na idederehe raw ni Xian.

"Eh siyempre doon may mga matang nakamasid, nag-oobserba, at 'yong ibang mga Pilipino na naroroon, nakikita nila 'Ah siya na ba 'yong ipinalit ni Xian Lim kay Kim Chiu? Nasabi ko 'yon kasi 'yong mga Pilipino, meron akong isang source doon na 'Sila na ba? Kasi magka-holding hands sila madalas," anang Ogie. "Holding hands while walking. Medyo sweet daw 'yong dalawa."

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Pero para kay Ogie, since hiwalay na nga sina Xian at Kim at kung pareho naman silang walang sabit, why not coconut na ipagpatuloy ang relasyon.

Bukod dito, naidetalye rin ni Ogie kung paano raw naghiwalay sina Xian at Kim habang kumakain ng steak.

MAKI-BALITA: Nag-request na lutuan siya: Xian, hiniwalayan si Kim habang kumakain ng steak?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Xian o ni Iris patungkol dito.