Hindi raw isinasarado ni Kapamilya singer-actor Kyle Echarri ang posibilidad na makarelasyon si Kapamilya star Andrea Brillantes.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News kay Kyle noong Lunes, Marso 4, tinanong si Kyle kung posible bang lumevel-up pa ang kanilang pagkakaibigan ni Andrea.

“Maybe you’ll never know. Hindi naman ako pwede humindi, hindi pwede umoo. You’ll never know what happens,” saad ni Kyle.

Pero sa ngayon, kuntento na raw muna siya sa ugnayang mayroon sila ni Andrea bilang magkaibigan.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Tila bukas din naman ang puso ni Andrea para sa bagong pag-ibig. Bagama’t hindi ito ang prayoridad niya sa ngayon, inamin niya sa isang panayam na hindi niya isinasara ang posibilidad na muling magmahal.

MAKI-BALITA: Andrea, hindi isinasara ang puso sa pag-ibig

Matatandaang kamakailan lang ay kinakiligan ng kanilang “KyleDrea” fans ang pagkasa nila sa “Jowa For A Day” challenge na mapapanood sa vlog ni Andrea.

MAKI-BALITA: Andrea Brillantes jinowa for a day si Kyle Echarri