Tila naghihiganti raw ngayon si Kapamilya actress Janine Gutierrez matapos umugong ang balitang hiwalay na raw ulit sila ni Paulo Avelino.

Sa latest episode ng “Showbiz Update” noong Linggo, Marso 3, nabanggit ni showbiz insider ang mga latest post ni Janine sa kaniyang social media account.

“Kung makikita n’yo ‘yong mga post ngayon ni Janine sa kaniyang Instagram account, body revenge daw ang tawag do’n,” lahad ni Ogie.

“Oo, napaka-sexy. Parang sinasabi niya: ‘O, ito ‘yong sinayang mo.’ Gano’n!” dugtong naman ng co-host niyang si Mama Loi.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“Gano’n yata talaga ang mga babae, ‘no? Talagang naghihiganti sila sa pamamagitan ng pagpapaganda lalo,” saad pa ni Ogie.

Samantala, sa naunang bahagi ng vlog, inispluk ng showbiz insider ang dahilan umano ng hiwalayan ng naturang rumored couple. Tila wala raw kasing plano si Paulo sa relasyon nila ni Janine.

MAKI-BALITA: Kawalan ng plano ni Paulo, dahilan ng hiwalayan nila ni Janine?

Nagsimula raw itanong ni Janine ang tungkol sa pagpaplano ng kasal at pamilya kay Paulo nang muli silang magkabalikan ng aktor. 

Matatandaang nakitaan ng chemistry sina Paulo at ang aktres na si Kim Chiu simula noong gumanap sila sa Prime video na “Linlang”. Nasundan pa nga ito ng isa pang proyekto sa ilalim naman ng Viu at ABS-CBN na ipo-produce ng Dreamscape Entertainment.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?

Dahil dito, umugong tuloy ang bali-balitang hiwalay na raw sina Janine at Paulo kahit wala pa namang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: Janine, Paulo, split na?

Pero inamin ni Janine sa isang panayam na may espesyal na ugnayan daw na namamagitan sa kanila ni Paulo.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming ‘espesyal’ ang namamagitang ugnayan nila ni Paulo Avelino

Sa katunayan, nanligaw pa umano sa kaniya ang aktor.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming niligawan ni Paulo Avelino noon; ano ang score ng relasyon nila ngayon?

Isang buwan matapos maiulat ang tungkol sa kanilang hiwalayan, kasunod namang lumutang ang balitang nagkabalikan umano ang dalawa.

MAKI-BALITA: Paulo Avelino, Janine Gutierrez nagkabalikan na?

Ngunit sa isang episode ng Showbiz Update noong Pebrero, napag-usapan sa vlog ni Ogie na hiwalay na ulit sina Paulo at Janine.

MAKI-BALITA: Paulo Avelino, Janine Gutierrez hiwalay na naman ulit?