Nagbahagi ng isang matalinghagang mensahe ang aktres na si Andi Eigenmann para sa pumanaw niyang ina na si Jaclyn Jose na isang batikang artista.

Sa latest Instagram story ni Andi nitong Martes, Marso 5, mababasa ang naturang mensahe na talaga namang kaaantigan ng sinomang babasa.

"Ika'y nasa araw, sa ulan, at sa hangin na aking nilalasap. Umaawit ng kantang puno ng pag-asa at ligaya. Wala na ang sakit. Wala na ang takot," saad ni Andi.

"Makikita kita sa mga ulap, maririnig ang iyong mga bulong ng pagmamahal. Magkikita din tayong muli. Sa ngayon didinggin ko muna ang iyong mga awit," dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Matatandaang nitong Lunes, Marso 4, emosyunal na humarap sa publiko si Andy kasama ang half-brother niyang si Gabby Eigenmann.

Bukod sa pagpapasalamat sa mga nag-alay ng panalangin at pakikiramay, isiniwalat din ni Andi sa presscon ang cause of death ng kaniyang ina kasunod ng pag-apela sa publiko na igalang ang kanilang pagluluksa.

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, isiniwalat ang cause of death ng ina

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, umapela na igalang ang kanilang pagluluksa

Nagsimulang lumabas ang ulat tungkol sa pagyao ng batikang aktres noong Linggo ng gabi, Marso 3, na kinumpirma naman ng kaniyang management.

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

MAKI-BALITA: PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose