Nagbigay ng paglilinaw ang aktres at dating Viva Hot Babes member na si Andrea Del Rosario tungkol sa picture nila ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kasama ang asawa niya.
Matatandaang ibinahagi ni Andrea ang naturang larawan noong umeskapo si Sen. Bato sa Senado noong madaling-araw ng Mayo 14.
Ngunit ayon kay Andrea, "That's an old photo. Maybe 3 years ago! It was a memory that showed up and I reposted - just riding the issue for the memes.
"Lol didn't know that it would blow up!" dugtong pa niya.
Kaya sa isang Facebook post ni Andrea kamakailan na ngayon ay burado na, lesson learned umano na huwag nang ibahagi ulit ang post na tatlong taon na.
Nauna nang flinex ni Andrea sa kaniyang Thread account ang larawan nila ni Sen. Bato noong Enero 23, 2025 kalakip ang mensahe ng pagbati niya para sa kaarawan nito.
Maki-Balita: Sen. Bato dela Rosa, bumisita kina Andrea Del Rosario?
Sa kasalukuyan, patuloy pa ring binabantayan ng mga awtoridad ang galaw ng senador. Sa katunayan, isinailalim na siya ng Bureau of Immigration (BI) sa lookout order.