Tila nahulaan daw ng psychic na si Rudy Baldwin ang pagpanaw ng batikang aktres na si Jaclyn Jose ilang araw bago iulat ang tungkol sa nangyari rito.

Binalikan kasi ng mga netizen ang Facebook post ni Rudy noong Pebrero 26 kung saan makikita ang prediksyon niya tungkol sa isang artista na masasawi umano sa isang trahedya o aksidente.

“#SHOWBIZ VISION .ISANG KILALANG BETERANANG ARTISTA NA HANGGANG NGAYON AY MAKIKITA PADIN ANTIN SYA SA TELEBISYON .BABAE,” saad ni Rudy.

“ITO AY ME MAGANDANG MAAMONG MUKHA .ISANG TRAHEDYA O AKSIDENTI ANG KANYANG IKAKASAWI .HINDI PA ITO MATANDA AT SOBRANG SIKAT ITO DAHIL ITO AY BETERENANG ARTISTA,” dugtong pa niya.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Samantala, sa isang bahagi ng post ay may nakasaad pa ring predisksyon tungkol sa dalawa pang beteranong artista: "ME NAKITA AKONG DALAWANG BETERANONG ARTISTA NA MASAWI DIN DAHIL NADIN SA KARAMDAMAN."

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang naturang post ni Rudy matapos pumutok ang balita tungkol sa pagpanaw ni Jaclyn. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“halaaa si Jacklyn Jose ( chief espinas ng batang Quiapo) kaya tinutukoy ng vision na ito?😳😮 Omg 🥺”

“C jacklyn jose po madam rudy baldwin ay pumanaw na😢”

“Beteranang aktres...it's Jaclyn Jose. 🙏🏻💐 RIP”

“😥😥😥😥 ayan na nga at namaalam na c Ms Jacklyn Jose rest in paradise po”

“Beteranang aktres...it's Jaclyn Jose. 🙏🏻💐 RIP”

“Si chief espinas pala😭”

“That's means is si Ms Jacklyn Jose Ang tinutukoy nya”

“Hala si Jacklyn Jose kaya to?”

Nagbigay naman si Rudy ng komento matapos ang nangyari kay Jaclyn at sinabing kung pwede lang daw niyang balaan ang aktres sa mangyayari rito ay ginawa na niya.

“NGUNIT ANG MAGING REACTION NG ISANG TAO ANG HINDI NATIN MALAMAN NGUNIT ILAN SA FRIENDS KO NASABI KO SA KANILA TO.HINDI LAHAT NAKIKITA KO DAHIL TAO LAMANG AKO AT KUNG HANGGANG DUN LANG IPAKITA NG DIOS SA AKIN AY HANGGANG DUN LANG DIN MASABI KO,” pasubali niya.

Gayunpaman, nalulungkot daw siya sa sinapit nito dahil maging siya ay hinahangaan ang aktres sa husay nito sa pag-arte.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya ni Jaclyn hinggil sa nangyari.

Pero matatandaang sa ulat ng isang pahayagan, nakasaad doon na natagpuan umano ang aktres na wala nang buhay sa Loyola Grand Villas sa Quezon City sa parehong petsang nabanggit sa itaas.

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

MAKI-BALITA: PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose