Nagluluksa ang buong industriya ng showbiz sa Pilipinas sa pagpanaw ng batikang aktres na si Jaclyn Jose, na unang naibalita nitong Linggo ng gabi, Marso 3.

Ayon sa mga inisyal na ulat, natagpuang walang buhay ang mahusay na aktres sa sariling bahay niya sa isang subdibisyon sa Quezon City.

Wala raw kasama sa bahay ang yumaong aktres.

Sa isang press conference nitong Lunes, Marso 4 ng tanghali, sinabi ng anak nitong si Andi Eigenmann na ang ikinamatay ng kaniyang ina ay myocardial infarction o atake sa puso.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I announced the untimely passing of my nanay, Mary Jane Guck, better known as Jaclyn Jose at the age of 60 on the morning of March 2nd, 2024 due to myocardial infarction or heart attack,” emosyunal na saad ni Andi.

"We’d like to thank everyone who has sent their extended prayers and condolences to us. As our family is trying to come to terms with this unfortunate incident, please provide us respect and privacy to grieve,” aniya pa.

Dagdag pa ni Andi, umaasa raw siyang sa pagsasalita niyang ito ay hindi mabahiran ng anomang espekulasyon ang nangyari sa kaniyang ina.

Matatandaang nauna nang kinumpirma ng management ni Jaclyn ang kaniyang pagpanaw matapos lumabas sa mga pahayagan ang mga ulat hinggil dito.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay sa pamilya Guck at Eigenmann ang mga showbiz personalities sa harap at likod ng camera na nakatrabaho ni Jaclyn, maging ang mga netizen na naging tagahanga nito.

Anila, "it hits different" na raw ang mga kumakalat na memes ni Jaclyn na kuha sa eksena niya sa pelikulang "Ma Rosa;" na naluluha siya habang kumakain ng fish balls.

"It hits different now... salamat Miss Jaclyn!"

"Grabe, nakakalungkot... hindi na ako matatawa sa memes sa kaniya kundi maiiyak na..."

"Rest in peace madam jaclyn... grabe, parang kelan lang natatawa pa ako sa mga nakikita kong memes about you."

"RIP sa isa sa mga pinakamahuhusay na aktres na nakilala at hinangaan ko..."

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, isiniwalat ang cause of death ng ina

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

MAKI-BALITA: PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose