Kinakiligan ng netizens lalo na ng "KyleDrea" ang pagkasa sa challenge na "Jowa For a Day" ng magkatambal na sina Kyle Echarri at Andrea Brillantes na mapapanood sa ">vlog ng huli.

Sa loob ng 24 oras ay umaktong tila tunay na mag-jowa ang magkaibigan at itinatambal na rin sa kasalukuyan.

Kagaya ng isang mag-jowa ay ginawa nina Blythe at Kyle ang iba't ibang sweet activities gaya ng pagkain sa labas, pagba-bonding at pamamasyal sa iba't ibang lugar, at paghawak ng kamay habang naglalakad o "HHWW."

Disclaimer nila na para lamang ito sa content at hindi pa talaga sila mag-jowa. Wala naman daw masasaktan dahil pareho silang single.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"this is a 'jowa content' but what we saw is REAL, they're being themselves. we love to see blythe and kyle this carefree 🫶🏼 bonus nalang yung chemistry niyo na napaka visible."

"Blythe hopefully u will give chance kay Kyle...super genuine niya sayo. You know a man is inlove if lahat ng ginagawa mo super happy lang siya. Look at his smile, hindi nawawala sa face niya. Sana kayo na end game ❤"

"Ay go na, may chemistry kayong dalawa hehehe."

Matatandaang naging kontrobersiyal si Andrea dahil sa pagkakadawit sa mga isyu ng hiwalayan ng showbiz couples noong 2023 gaya nina Miles Ocampo at Elijah Canlas, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.