Nakapanayam ni Ogie Diaz si Kapuso star at Pambansang Bae Alden Richards tungkol sa mga paglutang ng pangalan niya sa sinasabing on the rocks na relasyon ngayon nina Kapamilya heartthrob Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray, na kinumpirma naman ng Cornerstone Management na may hawak sa karera nilang dalawa.

Nag-ugat daw ito sa endorsement na parehong brand ambassador ang dalawa.

Ipinapanood ni Ogie ang naging ambush interview niya kay Alden sa latest episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update." Nagkrus daw ang mga landas nila ng aktor sa isang event at hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon para untagin ito.

"So kasalanan mo, Alden?" tanong ni Ogie.

Relasyon at Hiwalayan

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco

"Wala po akong kinalaman sa mga balitang 'yan," sagot ni Alden.

"So hindi ikaw ang third party?"

"Wala po akong... hindi po ako nakikiapid," natatawang sabi pa ni Alden. "Never ko pong ginawa 'yan sa buong buhay ko. Parang ako na lang lahat? Sandali lang, nananahimik po ako, I mean, just to clarify, wala po akong kinalaman..." sagot pa ng aktor.

Hangad daw ni Alden na lahat daw ng showbiz partners na nagkakaroon ng problema ay maayos dahil lahat naman daw ay nasasagot ng pag-ibig.

MAKI-BALITA: Catriona Gray, ipinagpalit si Sam Milby kay Alden Richards?