Nakakaloka ang ibinahaging balita ni showbiz insider Ogie Diaz tungkol kay Kapuso star at fashion socialite Heart Evangelista.

Sa latest episode kasi ng Showbiz Updates noong Miyerkules, Pebrero 28, sinabi ni Ogie na may nagtatangka raw sa buhay ni Heart.

“Hindi ko naman alam kung sino ‘yong tinutukoy no’ng kampo ni Heart. Na dati raw may mga taong kung ano-anong ipinapainom sa kaniya. Na ang term pang ginamit habang kausap ko sa phone, muntik patayin si Heart,’” lahad ni Ogie.

“Maraming gamot daw na ipinaiinom dati kay Heart na kung ano-ano. Na akala ni Heart daw ay para sa kalusugan niya, para sa kaniyang ano, wellness,” aniya.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Pero paglilinaw ni Ogie: “‘Yan naman ay nakarating lang naman sa akin. Pero hindi ko naman alam kung sino ang tinuturo.” 

Bagama’t hiwalay na kuwento, kamakailan lang ay naiulat ang tungkol sa umano’y pananabotahe kay Heart na nagsasabing hindi raw siya makakapunta sa ilang events sa fashion week.

MAKI-BALITA: May nananabotahe? Heart, nag-warning sa publiko

At ayon sa co-host ni Ogie na si Mama Loi, ang dati raw glam team ni Heart ang itinuturo ng mga tao sa likod ng nasabing pananabotahe.

Matatandaang Hulyo noong nakaraang taon nang mapabalitang nagkaroon umano ng gusot sa pagitan ni Heart at ng kaniyang dating glam team.

MAKI-BALITA:  ‘Nag-unfollowan pa!’ Heart, nilayasan na raw ng glam team?