Usap-usapan daw ngayon ang pagbabardagulan ng fans nina “Asian Outstanding Star” Kathryn Bernardo at “Can’t Buy Me Love” star Belle Mariano.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Marso 1, iniulat ni showbiz columnist Cristy Fermin ang ugat ng umano’y girian sa pagitan ng magkabilang fan base.

“Sinisisi kasi ng mga fans nitong si Belle Mariano si Kathryn. Bakit daw kailangan na pati si Donny Pangilinan na karelasyon na raw nitong si Belle e parang dinadamay pa sa mga bagay-bagay,” lahad ni Cristy.

“E, ang sabi naman ng mga fans ni Kathryn: ‘Uy, ‘wag n’yong i-claim, ‘no. Hanggang love team lang ‘yan. Hindi naman ‘yan totoo sa totoong buhay,’” aniya.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Dagdag pa ng co-host niyang si Romel Chika, umabot na nga raw sa pamemersonal ang mga banat ng kabilang kampo kay Kathryn.

“Mayro’n pa akong nabasa, Nay, pinepersonal na nila si Kathryn. Ang sabi, kung legs-legs lang ang labanan, mas perfect ang legs ni Belle,” hirit ni Romel.

Pero hindi lang naman legs ang sukatan ng anomang tagumpay sa showbiz industry sabi ng showbiz columnist. Dahil kung talagang may talento ang isang artista, siguradong kakasihan siya ng kapalaran. 

Matatandaang kamakailan lang ay kasama rin ni Kathryn si Donny sa birthday celebration ni Mr. Johnny Manahan o mas kilala bilang si “Mr. M.”

MAKI-BALITA: Star Magic babies ni Mr. M, nagsama-sama; Kathryn at Echo, kinakiligan