Nagsalita ang aktor na si Jerome Ponce tungkol sa posibilidad na makatuluyan ang co-star niyang si Krissha Viaje na ka-love team niya sa TV series na “Safe Skies, Archer.”

Sa latest episode kasi ng “Luis Listens” nitong Martes, Pebrero 27, naitanong ni TV host-actor Luis Manzano ang tungkol sa bagay na ito.

“How do you feel na dito sa culture ng Pilipinas na kapag mag-love team o di kaya mag-partner, i-expect ng tao na magkatuluyan talaga?” usisa ni Luis.

“Yeah,” magkasunod na sagot nina Jerome at Krissha sabay tingin at tawa sa isa’t isa.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Tanong tuloy ni Luis: “Ano ba? May something ba?”

“Well, yeah, napag-uusapan naman namin ‘yan. Syempre hindi pwedeng hindi. May mga bagay din kasi kaming tina-tackle. Even before na pumasok kami sa ganitong klaseng love team and ganitong klaseng work,” sagot ni Jerome.

“Pero, you know, mas masaya kami ng kung ano ‘yon mayroon sa amin na nasa amin lang. Kasi once na [i-reveal] namin sa mga tao, mag-eexpect sila. Magiging masaya sila,” aniya.

Dagdag pa ng aktor: “Tapos kapag alam na nila, nakita na nila na kung saan sila masaya, mag-eexpect pa lalo. So, ang mangyayari niyan, hihigitan pa nilang lalo ‘yong ine-expect sa amin. So kami naman, tataas kami sa level na ine-expect nila imbes na pwede naman kaming dahan-dahan.”

Sumang-ayon naman si Luis sa sinabing ito ni Jerome tungkol sa love team. Una’t higit daw kasi sa lahat, dapat masaya at kontento muna ang couple sa isa’t isa bago nila ipasa ang ganoong feeling sa kanilang mga tagasubaybay.