Nausisa ni “Magandang Buhay” host Melai Cantiveros-Francisco si “Can’t Buy Me Love” star Maris Racal kung bakit excited ang aktres sa pag-aalaga ng bata.

Napag-usapan kasi sa latest episode ng “Magandang Buhay” nitong Lunes, Pebrero 26, ang pagiging instant padede mom ni Maris noong Mayo 2023 habang nasa flight pabalik ng Maynila.

“Kasi may mga nagtatanong, e. Parang dito na ba papunta? Bakit ka excited sa mga pag-aalaga ng mga bata?” tanong ni Melai.

“Magtatrabaho po muna ako. Pero nandoon naman ‘yon. Nasa backset muna. Kailangan ko munang as individual maging satisfied sa work ko or sa narating ko,” tugon ni Maris.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

“Para kung satisfied ako, at happy ako, at peaceful ako, maituturo ko ‘yon sa offspring—kung sinoman siya,” dugtong pa niya.

Sey naman ni Melai: “At least klaro ‘no? Kasi syempre iba naman mag-isip ‘yong iba and very much si Maris.” 

Inamin ni Maris sa mismong panayam na mahilig daw talaga siya sa baby. Siya raw kasi ang nagsisilbing babysitter ng kaniyang mga pamangkin habang lumalaki siya.

Matatandaang isang netizen ang nagpatotoo sa katangiang ito ni Maris nang i-flex niya sa kaniyang Instagram account ang picture niya as padede mom.

MAKI-BALITA: Maris Racal naging instant padede mom; netizens, kinantiyawan si Rico Blanco