Ginagawa na naman daw sentro ng intriga si “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards ayon kay showbiz columnist Cristy Fermin.

Sa latest episode kasi ng kaniyang programa nitong Martes, Pebrero 27, sinabi ni Cristy na nili-link daw si Alden kay Miss Universe 2018 Catriona Gray nang magsama ang dalawa sa isang endorsement.

“Ito na naman tayo. Si Alden Richards, gagawan na naman ng isyu para putaktihin na naman,” saad ni Cristy.

Pero kung pupulsuhan ang mga tagasubaybay ng programa ni Cristy, marami sa kanila ang hindi naniniwala sa nasabing isyu.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

“‘Hindi rin ako naniniwala na si Catriona at Alden na ngayon. Siguro gusto lang mapag-usapan nitong kampo ni Catriona kaya si Alden na naman ang kinakalampag,’” pagpalag ng isang tagasubaybay na nagkomento sa programa matapos iulat ng showbiz columnist ang nasabing balita.

Matatandaang nagsimulang umugong ang balita na hiwalay na umano si Catriona sa fiance nitong si Sam Milby nang mapansin ng mga netizen na may mga pagkakataon daw na hindi suot ng beauty queen ang kaniyang engagement ring.

Lalo pang lumakas ang kanilang kutob nang talakayin sa showbiz-oriented vlog ni Ogie Diaz ang nasabing balita nang bulungan siya ng kaniyang source tungkol sa real score ng dalawang engaged couple.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Catriona at Sam, hiwalay na raw