Nag-o-overflow ang saya ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez sa kaniyang anak na si Ria Atayde at sa fiancé nitong si Zanjoe Marudo.

"My heart is over flowing with Joy ❤️," saad ni Sylvia sa kaniyang Instagram post.

Dagdag pa niya, "perfectly Matched 💍💍💍"

Matatandaang nitong Pebrero 20, inanunsyo nina Ria at Zanjoe ang kanilang engagement.

Zanjoe Marudo, Ria Atayde engaged na!

Samantala, matapos isapubliko ang engagement, pinagsuspetsahan umano ng mga netizen na si Ria ang tinutukoy sa isang blind item na kumakalat ngayon sa X.

Ang nasabing blind item ay tungkol umano sa aktres na nabuntis ng aktor. Ang nasabing aktres ay may kapatid at inang artista.