Inanunsiyo ng celebrity couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde ang kanilang engagement sa pamamagitan ng social media post.

Sa latest Instagram post ni Ria nitong Martes, Pebrero 20, ibinahagi niya ang kanilang mga larawan ni Zanjoe kung saan makikita rin ang suot niyang engagement ring.

“Forever sounds good 🤍💍” saad ni Ria sa caption ng naturang post.

Matatandaang noong Oktubre 2022 ay ibinuking ng mismong ina ni Ria na si Sylvia Sanchez ang real score ng anak nito kay Zanjoe.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

MAKI-BALITA: Zanjoe Marudo at Ria Atayde, nasa dating stage na, buking ni Sylvia Sanchez