Nasa ₱9 milyong halaga ng tanim na marijuana ang sinira ng mga awtoridad sa Tinglayan, Kalinga kamakailan.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Kalinga Provincial Office, sa tulong ng Coast Guard District North Eastern Luzon.

Nasa 45,000 puno ng marijuana ang binunot ng mga awtoridad sa 3,000 metro kuwadradong lupain sa Tinglayan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaagad na sinunog ang mga tanim na marijuana upang hindi na mapakinabangan.

Walang naaresto sa nasabing operasyon, ayon pa sa PDEA.