Nasa 10 katao ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) nang magkaaberya ang sinasakyang bangka sa Looc, Romblon kamakailan.

Sa report ng Coast Guard, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng insidente kaya't agad na nagsagawa ng search and rescue operations ang mga tauhan nito sa karagatang sakop ng Barangay Agojo nitong Pebrero 8. dakong 

Kasama sa mga nasagip ng PCG at Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office (MDRRMO) ang siyam na pasahero at isang boat operator ng MBCA Jedidiah 2.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Patungo na sana sa Caticlan Port sa Malay, Aklan ang bangka mula sa Looc Pier sa Looc, Romblon nang bigla itong huminto sa kagatang bahagi ng Barangay Agojo nitong Huwebes dakong 3:40 ng hapon.

Naputol ang ehe ng bangka na naging dahilan ng insidente.

Hinila na ang bangka patungong Brgy. Poblacion, Looc Pier, dagdag pa ng PCG.