Niyanig ng 5.9-magnitude na lindol ang bahagi ng Ilocos Norte nitong Myerkules ng tanghali.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 12:00 ng tanghali nang maitala ang sentro ng pagyanig na nasa 16 kilometro ng hilagang kanluran ng Pagudpud.

Naramdaman ang Intensity 6 sa Pasuquin, Ilocos Norte at Intensity 4 sa Sinait, Ilocos Sur.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Paglilinaw ng Phivolcs, ang Intensity 6 ay napakalakas kung saan marami ang natatakot at tatakbong palabas ng kanilang bahay o gusali.

Posible ring mawala ang balanse ng ilang tao habang ang pakiramdam ng ilang motorista ay flat na ang kanilang gulong. Kayang-kaya nitong pagalawin ang mabibigat na furniture at patunugin ang maliliit na kampana ng simbahan.

Magigising naman ang ilang tao dahil sa tila pagdaan ng mabigat na truck sa kanilang lugar dulot ng 

Intensity 4. Maaari rin itong maramdaman ng ilang motorista.

Nasa 10 kilometrong lalim naman ang nilikha ng nasabing pagyanig na dulot ng tectonic, ayon sa Phivolcs.

Inaasahan na ng ahensya ang pinsala at aftershocks ng pagyanig.