Gagastos ng mula sa ₱221 bilyon hanggang ₱360 bilyon ang mga jeepney operator at driver upang tuluyang mapalitan ng moderno ang mga tradisyunal na jeep.

Ito ang binanggit ni 1-Rider Party-list Rep. Bonifacio Bosita sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara sa implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Aniya, nasa 250,000 ang tradisyunal na jeep sa bansa, karamihan ay nakatengga na nagpapakita na nahihirapang magbayad ang mga driver at operator.

Nagbibigay aniya ng subsidiya ang pamahalaan sa bawat unit ng modern jeep na nagkakahalaga ng ₱985,000 hanggang ₱2.8 billion.

National

Hontiveros, pinaiimbestigahan napaulat na mga Pinay na ginagawang surrogates abroad

Gayunman, sinabi ng kongresista na kulang pa ang budget para sa programa.