Inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) na magkakaroon ng “Bagong Pilipinas” kick-off rally sa Quirino Grandstand sa Maynila, sa darating na Linggo, Enero 28.

Inanyayahan ng PCO sa kanilang Facebook page ang mga Pilipino na makibahagi sa nabanggit na kick-off rally upang maging bahagi ng pagbabago para sa sarili, komunidad, at bayan.

Opisyal na magsisimula ang kick-off rally sa ganap na 6:00 ng hapon, at inaasahang dadalo sa oras na ito si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. Inaasahan ding dadalo rito ang iba't ibang opisyal ng pamahalaan at magpe-perform dito ang iba't ibang celebrities at personalidad, na 3:00 ng hapon ay sisimulan na. Sa mga hindi makadadalo, mapapanood daw ang kick-off rally sa pamamagitan ng live streaming.

"Before this, President Marcos urged the Filipino people in his New Year’s message to strive to fulfill their respective their New Year’s resolutions as he highlighted their importance to the “Bagong Pilipinas” campaign of the administration to usher the nation towards change and development," saad pa sa post ng PCO.

National

405 sa 677 umano'y benepisyaryo ng confi funds ni VP Sara, walang record of birth sa PSA

"President Marcos said that one of the best steps toward a “Bagong Pilipinas” is individual and community involvement as he emphasized that it will only be achieved with the participation of the Filipino people," dagdag pa nila.

Kaugnay nito, hinihikayat daw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan muna ang Rizal Park at iba pang kalsadang malapit sa venue, at dumaan muna sa mga alternatibong daanan upang makaiwas sa aberya.

Ayon pa raw sa MMDA, ang mga kalsadang isasara para sa nabanggit na event ay Roxas Boulevard, magmula sa UN Avenue hanggang P. Burgos Avenue, M. Kalaw (sa magkabilang gilid mula Roxas Blvd. hanggang Taft Avenue), magkabilang gilid ng Finance Road, Orosa Street, at Bonifacio Drive, magmula Anda Circle patungong P. Burgos Avenue.

Sa Facebook page ni PBBM ay makikita rin ang kaniyang paanyaya sa lahat.

"Makiisa sa ating Bagong Pilipinas Kick-Off Rally sa Quirino Grandstand, 6:00 PM sa ika-28 ng Enero 2024. Halina at maging parte ng pagbabago para sa ating sarili, komunidad, at bayan! #BagongPilipinasKickOffRally," aniya pa.