Isa ang naiulat na nasugatan nang magkarambola ang limang sasakyan sa Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Kaagad na isinugod sa ospital ang driver ng isa sa mga kotse matapos maipit ng dalawang truck.

Sa report ng Manila Police District-Manila District Traffic Enforcement Unit (MPD-MDTEU), ang insidente ay naganap sa Elpidio Quirino Avenue nitong Enero 19 ng umaga.

Binabagtas ng isa sa dalawang truck na minamaneho ni Ronald Maglaque ang southbound lane ng Quirino Avenue nang biglang mawalan ng preno na naging dahilan ng pagsalpok nito sa tatlong kotse at isa pang truck.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Richielyn Canlas