Nakahabol pa rin sa quarterfinals ang TNT matapos patumbahin ang Phoenix Super LPG, 116-96, sa huling laro sa elimination round sa PhilSports Arena sa Pasig nitong Linggo. 

Nagpakitang-gilas sa Tropang Giga si Rondae Hollis-Jefferson matapos kumana ng 35 points, siyam na rebounds, 11 assists, tatlong steals, at isang block.

Malaki rin ang naging ambag nina Calvin Oftana at Kim Aurin na kapwa nakakuha ng 18 points, at nagdagdag naman si Brian Heruela ng 14 points.

Kahit kababalik lamang mula sa iniindang myocarditis o pamamaga ng heart muscle, kumubra pa rin si Roger Pogoy 11 points, tatlong rebounds, tatlong assists at dalawang steals.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sa panig ng Fuel Masters, nasa 21 points lang ang nahakot ni Johnathan Williams, dagdag ang 14 rebounds at anim na assists.

Haharapin ng TNT ang Magnolia sa PhilSport Arena, Pasig  sa Miyerkules, Enero 17, dakong 8:00 ng gabi, pagkatapos ng laban ng Phoenix at Meralco.