Isang bulkan sa Suwanose Island sa bansang Japan ang sumabog nitong Linggo ng madaling araw, Enero 14, ayon sa weather agency ng bansa.

Sa ulat ng Agence France-Presse, inihayag ng lokal na pahayagan ng Japan na nangyari ang pagsabog sa Mt. Otake.

“There was a potential for large rocks being hurled into the air within about a 2-kilometre radius of the crater,” saad nito.

Samantala, wala naman daw naiulat na nasugatan kaugnay ng nasabing pagsabog.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Bagama't hindi rin pinalikas ang mga residente sa mga kalapit na lugar, hinikayat ng Japan Meteorological Agency ang publiko na iwasang pumasok sa “danger zone.”

Matatagpuan ang bansang Japan sa Pacific “Ring of Fire,” isang arko ng intense seismic at volcanic activity na umaabot sa Southeast Asia at sa buong Pacific basin.