May 21, 2026

Home BALITA Internasyonal

‘Laging handa at alerto!’ DOH, nakikipag-ugnayan na sa WHO bunsod ng Ebola outbreak

‘Laging handa at alerto!’ DOH, nakikipag-ugnayan na sa WHO bunsod ng Ebola outbreak
Photo courtesy: John Louie Abrina (MB), Unsplash

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na aktibo na silang nakikipag-ugnayan sa World Health Organization (WHO) bunsod ng nagaganap na pagkalat ng Ebola disease na dulot ng Bundibugyo virus. 

“Ang DOH ay laging handa at alerto. Naabisuhan na kami sa pamamagitan ng mga channel ng IHR (International Health Regulations), at aktibo kaming nakikipag-ugnayan sa WHO,” saad ni DOH Usec. Albert Domingo sa kaniyang pahayag noong Linggo, Mayo 17.

Binanggit din niya na payo ng WHO sa mga bansang walang Bundibugyo virus, na mahalagang mabigyan ng tumpak at maaasahang impormasyon ang publiko hinggil sa pagkalat nito at mga hakbang upang mabawasan ang panganib nito. 

Samantala, itinaas ng WHO ang “public health emergency of international concern” sa Democratic Republic of Congo (DRC) dahil sa pag-usbong ng walong laboratory-confirmed cases, 246 suspected cases, at 80 suspected deaths dito. 

Ang outbreak na ito ay nakumpirma ng DRC noong Biyernes, Mayo 15, kung saan ang mga pasyente ay nakaramdam ng mga sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng katawan, panghihina, pagsusuka, at bleeding o pagdurugo. 

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

Sa kabila nito, tiniyak naman ng WHO na hindi pa ito maituturing na isang “pandemic emergency.” 

MAKI-BALITA: Muling pagkalat ng Ebola disease, isa nang ‘international concern’ – WHO