Patay ang isang mataas na lider ng New People's Army (NPA) matapos makasagupa ng grupo nito ang mga sundalo sa Borongan City, Eastern Samar nitong Sabado ng umaga.

Dead on the spot si Martin Cardeño Colima, secretary ng Sub-Regional Committee-SESAME, Eastern Visayas Regional Party Committee (SRC SESAME, EVRPC) ng NPA, dahil sa mga tama ng bala, ayon sa Philippine Army-8th Infantry Division (ID).

Idinahilan din ng militar, nagresponde lamang ang mga tauhan ng 78th Infantry Battalion sa Barangay San Gabriel, Borongan City matapos makatanggap ng sumbong mula sa ilang sibilyan kaugnay sa namataang grupo ng mga rebelde nitong Enero 6 ng umaga.

Matapos ang ilang minutong sagupaan, iniwan ng iba pang rebelde ang bangkay ni Colima, ayon sa militar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sinabi ng militar na pakana umano ni Colima ang mastermind ang insidente ng pananambang sa Brgy. Libuton, Borongan noong Disyembre 13, 2019 na ikinasawi ng isang pulis, tatlong sibilyan at ikinasugat ng 12 ding sibilyan.

Nasamsam sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang Cal. .45 pistol at pitong backpacks, dagdag pa ng militar.