Palalawigin ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 1, 2 (LRT-1,2) ang kanilang operating hours simula Disyembre 20 hanggang 23 sa gitna ng holiday rush, ayon sa Department of Tourism (DOTr).

Sa pahayag ng DOTr, 10:30 na ng gabi mula sa dating 9:30 ng gabi, ang huling biyahe ng MRT-3 mula North Avenue Station sa Quezon City at 11:05 ng gabi (mula sa dating 10:09 ng gabi) ang last trip nito sa Taft Avenue Station.

Ang last trip schedule na 10:45 ng gabi (mula sa dating 10:00 ng gabi) ay ipatutupad naman sa LRT-1 Baclaran Station.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Pinalawig naman hanggang 11:00 ng gabi, mula sa dating 10:15 ng gabi, ang huling biyahe nito sa Fernando Poe Jr. Station (dating Roosevelt Avenue Station).

Dakong 10:00 ng gabi mula sa dating 9:00 ng gabi ang last trip nito sa LRT-1 Antipolo Station at 10:30 naman ng gabi mula sa dating 9:30 ng gabi ang huling biyahe nito sa Recto Station.

PNA