Nagkomento si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Director Nicolas Torre III, hinggil sa naging hatol ng International Criminal Court (ICC) sa mga naging apela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa nga kasong kinahaharap niya.
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Unang anibersaryo mula sa pagtugis ng ICC kay FPRRD hanggang sa pagdinig ng confirmation of charges
Sa panayam ng media kay Torre nitong Huwebes, Abril 23, 2026, natanong si Torre hinggil sa nagpapatuloy na pag-usad ng kaso ni dating Pangulong Duterte sa ICC.
Matatandaang si Torre ang noo’y chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na siyang nanguna sa naging pag-aresto kay Duterte noong Marso 11, 2025, matapos ilabas ng ICC ang arrest warrant hinggil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng naging madugo niyang kampanya kontra droga.
“Sa ngayon naman ang dating Pangulo ay may karapatan at kaniyang ginagawa naman ngayon, ine-exercise n’ya ang pagdepensa sa kaniyang sarili. In the same manner, on the other side, na ang mga nagrereklamo naman ay mayroong karapatan na marinig naman. At obligasyon natin na tingnan sila,” saad ni Torre sa media.
Nilinaw din ni Torre na ang tanging hinihiling lang daw niya ay manaig ang hustisya sa huli.
“Ating wini-wish talaga na ang hustisya ang manaig sa huli,” ani Torre.
Nang tanungin naman ng media kung ano ang mensahe niya para kay Duterte, giit ni Torre, “Justice will prevail in the end. I wish him luck, and I wish him well.”
Noong Miyerkules, Abril 22, tuluyang ibinaba ng ICC Appeals Chamber ang kanilang desisyon na ang naturang institusyon ang mya hurisdiksyon sa mga kasong kinahaharap ni Duterte—ito’y matapos ang naging apat na apela ng kampo ng dating Pangulo.
KAUGNAY NA BALITA: 4 na jurisdiction challenge ni FPRRD, 'di nakaporma sa ICC Appeals Chamber!