Nakapagtala pa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng anim na pagyanig sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Paliwanag ng Phivolcs, ang naturang volcanic activity ay naitala simula 5:00 ng madaling araw ng Sabado hanggang 5:00 ng madaling araw ng Linggo, Disyembre 17.

Huling nagbuga ng sulfur dioxide ang bulkan nitong Disyembre 15 kung saan umabot ito sa 11,437 tonelada.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagpakawala rin ang bulkan ng puting usok na umabot sa 900 metrong taas at tinangay ng hangin pa-timog-kanluran.

Naobserbahan din ng Phivolcs ang patuloy na pamamaga ng hilagang bahagi ng Taal Volcano Island (TVI).

Sarado pa rin sa publiko ang TVI, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures dahil sa nakaambang phreatic explosions nito, at pagbuga ng nakalalasong usok.

Nananatili pa rin sa Level 1 ang alert status ng bulkan, ayon pa sa ahensya.