MANGALDAN, Pangasinan —  Isang 60-anyos na kapitan ng barangay ang pinagbabaril sa Purok 1, Brgy. Tebag dito nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 7.

Ayon sa lokal na pulisya na ang biktimang si Melinda Paragas Morillo, 60, incumbent barangay chairman, residente ng Brgy. Poblacion, Mangaldan, ay pinagbabaril umano ng dalawang hindi pa nakikilalang armadong mga lalaki.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dagdag pa ng awtoridad, minamaneho ni Morillo ang kanyang puting Mitsubishi Montero Sports Vehicle patungo sa kanyang ikalawang bahay sa Brgy. Tebag nang pagbabarilin umano ito ng isa sa dalawang gunmen gamit ang ng Cal. 45 na baril.

Agad namang tumakas ang mga salarin matapos ang insidente patungo sa Brgy Poblacion, sakay ng kanilang getaway motorcycle.

Batay sa pinakahuling ulat, nagtamo ng maraming tama ng bala si Morillo at isinugod sa Region 1 Medical Center ANNEX Brgy. Bonuan Binloc, Dagupan City. Gayunpaman, siya ay binawian na ng buhay.

Patuloy pa rin ang isinasagawang follow-up investigation para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek at maging ang motibo ng pagpatay.